Hi. Paalam na sa URL ko :)

Tuesday, 22 May 2012

prinsesangbrownout:

Isa sa pinaka masakit na parte ng buhay pag-ibig ay ang hindi mapansin ng taong mahal mo. Umaasa ka na sa bawat hakbang na ginagawa mo, balang araw mapapansin ka rin niya. Masakit kasi kahit ilang beses ka ng magmukhang tanga, heto ka’t patuloy parin sa pagbabakasakaling makita niya ang bawat kilos at galaw mo.
Sabi nga nila ang tunay na nagmamahal, handang gawin ang lahat para sa taong mahal niya. Handang magpakatanga at masaktan, makuha lang ang pagmamahal na inaasam sa taong gusto niyang makuha. Minsan nagiging mali na ang pagpapakatanga. Kasi kung minsan, sa sobrang sakit ng nararamdaman mo dahil sa ganitong sitwasyon, hindi mo na nagagawang isipin o unahing mahalin ang sarili mo. Nakakalimutan o napapabayaan ang sarili dahil mas inuuna mong ibigay o ibuhos ang atensyon at sayangin ang oras mo sa isang taong hindi ka magawang pahalagahan.
Kung gusto mong mahalin ka ng isang tao, kailangan mo munang matutunan kung paano mahalin ang sarili mo. Masasaktan ka lang kung patuloy mong ipipilit ang mga bagay sa mundo kung alam mong hindi naman talaga para sa’yo. Matuto kang magbigay ng espasyo para sa ibang bagay at para sa ibang tao. Wag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ayaw sayo. Kasi mas marami pang iba na naghahangad din ng pansin mo at kayang gawin at higitan ang lahat ng hinahangad mo sa taong hindi naman kayang pahalagahan ang isang tulad mo.

Friday, 4 May 2012

Hello! Kamusta ka?
Paano ko nga ba uumpisahan? Hehe. Eto ako ngayon, iiwanan ko na si kolehiyalangtamad. At sa ginawa kong ‘to, syempre kailangan ko parin itago ‘tong URL na ‘to. Ito yata yung pinakamatagal kong URL sa lahat. Dito ko nakakilala ng mas maraming kaibigan. Ito yung URL ko na nakikilala kapag umaattend ako ng Meet-up, tapos may kasunod na tanong ang mga kapwa ko Tumblrista na Bakit tamad? o kaya naman, tamad ka ba talaga?. Oo tamad naman talaga ko, pero syempre kahit ganun ako, hindi dapat pabayaan ang pag-aaral. Lol. At saka, baka magbago pa yung isip ko, bigla akong bumalik dito :)
Teka! Hindi kita inunfollow ah. At paninindigan ko parin yung sinabi ko dati sa Random Facts ko, na hindi pa ko nag-a-unfollow. Kasi nga gusto ko, once na finollow ko, hindi magbabago yung pagtingin ko sa kanya. Kahit maging forever inactive o sabaw pa siya, isa ko sa mga loyal niyang tagasubaybay. Sino ba naman kasi ang gustong may nagaunfollow sa kanya? Diba hindi mo naman mapigilan malungkot kahit papano kapag ganito nangyari sa’yo? At dahil ayokong nakakaramdam o nangyayari sa’kin yung ganun, ayoko rin iparamdam sa ibang tao :)
Maraming salamat nga pala sa lahat ng nagmahal sa URL kong ‘to. Masayang masaya ko kasi ang dami kong nakilala at naging kaibigan. Sana sa pagpapalit ko ng URL, walang magbago. Sana ganun parin ang lahat, sana URL ko lang ang magbago, at hindi yung pakikitungo ng lahat sa’kin :”>
Ayun! Wala na kong masabi. Teka, ayaw rin kitang pahirapan eh. Kaya wag mo na kong hanapin. Ito yung bagong URL ko oh ~> prinsesangbrownout. Diyan mo nalang basahin ang lahat ng gusto mong malaman. Nandiyan rin lahat ng tungkol sa likod ng bago kong URL na talagang konektado sa pagkatao ko. Maraming salamat sa oras mo, congrats! Natapos mong basahin ‘tong walang kwentang post ko. Hahahahahahahahaha =))  ILOVEYOU!

#personal    #bye kolehiyalangtamad    #prinsesangbrownout    #kolehiyalangtamad